Simula noong unang panahon ng mga immigrante, ang Estados Unidos ay isa sa mga pangunong destinasyon para sa mga taong nanggagaling sa ibat-ibang parte ng Asya.  Dito, sa “lupa ng malay,” sila ay nagpumilit na magkaroon ng sarili nilang komunidad upang mapanatili nila ang kanilang sariling kultura at pagkakakilanlan, kahit na sila’y sinalubong ng ibat-ibang klaseng diskriminasyon at masamang loob na galing sa mga tao ng lipunan.  Di katulad ng mga unang Instik, Hapon, at Koreanong immigrante na nakapag tayo ng sarili nilang etnikong komunidad, ang mga Filipinong immigrante ay hindi kasing suwerte.  Kaya, paano sila nakapag tayo ng sarili nilang etnikong komunidad? Pareho ba ito sa mga ibang etnikong komunidand ng ibang lahing napunta sa Estados Unidos? Bilang isang Asian American major sa University of California Irvine, gusto kong gawin itong isang pagkakataon na ihandog sa inyo ang isa sa mga bahagi ng mga pinagaaralan ko ukol sa mga Filipino at Filipino-Amerikano sa Amerika at sa ibang bahagi ng mundo.

Nabanggit ko na sa umpisa na ang mga Filipino ay hindi nakapagtayo ng sarili nilang etnikong kumunidad noong una silang dumating sa Estados Unidos, at dahil sa kalagayan ng Amerika noong nagdatingan ang mga Filipino (kagatnapan ng Great Depression), masmasahol ang diskriminasyong naranasan nila.  Palibhasa wala silang sariling lugar na matuluyan, ang mga unang Filipno ay napasingit nalang sa mga etnikong komunidand ng ibang immigrante katulad ng mga Instik, Hapon, at mga Koreano.  Bagaman nagkaroon rin ng Manila Town sa San Francisco noong unang panahon ng 1900s, ibang istorya na ito.  Ngayong naipaalam ko na sa inyo itong maliit na impormasyon, gusto ko na kayong dalhin sa pangunahing pokus ng artikulo ko.

Sa kasalukuyan kong pinag-aaralan ang libro ni Emily Ignacio Building Diaspora, na tungkol sa paglikha ng komunidad ng mga Filipino at Filipino Amerikano sa Internet.  Halos lahat ng mga tao sa buong mundo ay pinapakinabangan ang panggamit ng Internet, at kung ano-ano pamang posibilidad na inihahandog nito.  Dahil sa Internet at pagsulong ng teknolohiya, napabaliwala ang halaga ng oras at kalawakan ng mundo, at ang mga tao ngayon ay maaaring makibalita at makipagkuwentuhan sa ibang taong nakatira sa kabilang dulo ng mundo, kahit na gaano kahaba ang paginan ng oras sa isa’t isa.  Sa pananaliksik ni Ignacio, sadya niyang pinag-aralan ang mga “thread” sa soc.culture.filipino newsgroup na nasa Internet (1995-1997), at kung paano sumagot at nakipag-usapan ang mga miyembro nito tungkol sa mga isyu katulad ng “ano ang ibig sabihin ng pagka Filipino,” at kung paano nila nakikita at naiintindihan ang kulturang Filipino mula sa mga mata ng bilang isang Filipino o Filipino Amerikano, sa halip na sa pagtingin at interpretasyon ng tagaibang bansa (bukod ditto ay maraming pang iba’t ibang isyu na napagusapan).  Maari bang magkaroon ng isang Filipino o Filipino Amerikanong pagkakakilanlan na hiwalay sa Amerikang pagkakakilanlan? Ano sa palagay ninyo? Paano ninyo sasaguting ang tanong na ganito bilang isang Filipino o Filipino Amerikano?  Itong tanong na ito ay importante, hindi lamang para sa mga Filipino at Filipino Amerikano, pero sa lahat ng Filipinong nasa ibang bansa at lugar ng mundo, dahil sa pagkakolonisasyon ng Pilipinas, ang mga impluwensya ng pangyayaring ito ay nananatiling nagbibigay tulong sa paghugis ng pagkakakilanlan ng isang Filipino.

Maraming Filipino sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundong sumasamantala sa paggamit ng Internet at texting upang magkaroon sila ng koneksyon sa isa’t isa at sa bansang Pilipinas.  Ang paggamit ng mga “Facebook,” “myspace,” “chat rooms,” at iba pang uring “threads,” at “forums,” ay nagiging “virtual community” na kung saan nagsasamasama at nagkakakilala ang mga Filipino kahit nasaang parte sila ng mundo.  Katulad ng mga ibang Asians, karamihang Filipino ay pinagpapatuloy parin ang kanilang koneksyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging “transnational.” Ang ibig sabihin nito ay nag-aalala parin sila sa mga nangyayari sa political at ekonomya ng Pilipinas, at patuloy paring ang pagtulong, sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa Pilipinas, sa pagbabasa ng mga diyarong tunkol sa mga nangyayari sa bansa, at sa pag-aayos ng mga fundraising para makatulong sa Pilipinas.  Halimbawa: noong Oktubre ng nakaraang taon, na tamaan ang Pilipinas ng Bagyong Lupit (Ramil) at maraming taong namatay, namatayan, at nawalan ng matitirahan.  Siyempre, ang balitang ito ay madaling kumalat, hindi lamang sa Amerika, pero sa ibang parte ng mundo.  Sa simbahang pinupuntahan ng mga magulang ko, ang kumakatawan ng komunidad ng Filipino sa simbahang iyon, ay nagpahayag at humingi ng tulong sa mga miyembro ng kongregasyon, para sa mga nadamay ng Bagyong Lupit.  May mga fundraisers at bake sales na ginanap para makaipon ng pera na maipapadala sa Pilipinas at matulungan ang mga kababayan.

Sa ngayon at sa darating na panahon, ang teknolohiya ay magpapatuloy magbibigay silbi para sa mga Filipino sa iba’t ibang parte ng mundo, upang sila’y manatiling konektado sa mga pamilya’t kamagaak at sa bansang Pilipinas.  Ang mga “virtual community” na binubuo ng mga bagong henerasyon ay sanay magpatuloy upang parating mayroong komunidad and mga may lahing Filipino na puwede nilang mapuntahan at magsamasama, kahit na harapan.

 
Susunod >Power_in_Numbers_Tour.htmlMay_Day_2010/Pages/mayday.htmlshapeimage_2_link_0
< NaunaMay_Day_2010/May_Day_2010.htmlMay_Day_2010/May_Day_2010.htmlshapeimage_3_link_0